About:
![]() Hi! I am Jelly. I am a girl. I love green, not pink. Is that obvious? Haha! But srsly, I love green. But I love my girl friends more than green. :P I am part of the funniest, loveliest, sexiest and hottest group of girls you'll ever know and we call our group "Chx". Got any problems? My girl friends shall take care of you. :> Got that? /:) Tagboard.
Buddies. Chelsea Betina Nica Credits Layout designed by Hanna Original layout by Yani Lavigne Images from XX Hosted by Blogger, Youtube & Photobucket Tweaked by Chelsea ©
|
Can't live without you.
BACK TO TOP? |
0 Left Blogprints:
Post a Comment
![]() Akala ko talagang mawawala na siya sakin. Napaka tanga kong babae. Alam namang taken na nalandi pa! Nakipagkita ako sa kanya sa Paseo kanina. Kasama ko dapat si Bea kaso nga lang nanakawan siya ng 300php kaya di ko na siya sinama. Haaist. Akala ko magiging masaya na kami ni Mjhae ngayon kasi sabik na sabik talaga kaming magkita uli eh. Miss na kasi namin isa't isa. Sabe nga niya nung isang araw, Gustong gusto niya na raw akong yakapin. Nakakainis lang talaga dahil nung naghihintay pa ko sa kanya dumating, may nag text sakin. Number lang, di ko kilala. Tinanong ko kung sino siya tapos saktong paghiram naman sakin ng cellphone ni Mjhae, Nagreply na yung unknown number. Si crush pala yun. Feel ko nung nabasa yun ni Labs, mainit na dugo niya, siya nagreply hanggang sa may mga nabasa siyang di kanais nais. Inamin kasi ni crush kay mjhae na crush niya din ako. Letse! Nahihirapan na ko. Tahimik lang talaga ko dun pero alam ko na naman kung anung sunod na mangyayare. Naiisip ko na mga pwedeng mangyare. Ayun nga maya-maya, hinila na ni mjhae kamay ko. Ihahatid niya na daw ako sa sakayan pauwi. Grabe. Niyayakap ko siya dahil alam kong nakapagdesisyon na siya. Tinatakwil niya ko. Wala na raw kaming dapat pag usapan. Galit na galit siya. Explain ako ng explain. Ayaw niya talagang makinig. Ilang minuto kaming nag harangan don. Ayaw ko siya paalisin, Di ko matanggap na nakikipaghiwalay na siya. Sobrang tapang niya, Ang hirap na talagang suyuin. Galit na galit siya sakin. Siguro mga kalahating oras kaming nagharangan. Para talaga kong loka loka doon, iyak ng iyak, pakiusap ng pakiusap sa kanya. Maya maya sinabi niya sakin na "Matagal ko na naman talagang ayaw eh. Nagtitiis lang ako." Naiyak ako doon. Napakasakit. Pakiramdam ko matagal na talaga niyang ayaw sakin, naghanap lang siya ng tyempo na makagawa ako ng mali para mahiwalayan niya na ko. Tumakbo ako papuntang CR. Naghilamos ako tapos paglabas ko wala na siya. Bumaba na ako. Naglalakad akong umiiyak papuntang palengke sasakay ako doon pauwi. Biglang naramdaman kong tumatakbo siya, Sinusundan ako sa likod. Ibabalik niya raw yung transparent na shades na hiniram ko. Ayaw ko siyang pansinin. Talagang nasaktan ako, sabe ko sa kanya, "Matagal ka na palang sawa sakin eh." Tapos iniiwasan ko siya pero hinila niya ko. Dinala niya ko sa lugar na onting tao dahil nakakahiya na talaga kami. Parang wala kong pakelam sa mga nakakakita samin. Kinausap niya ko ng ayos. Nag explain siya. Nasabi niya lang daw yung mga yun kanina kasi ang higpit daw ng pagkakayakap ko sa kanya, di na siya makahinga. Pero sabe parin ako ng sabe, "Matagal ko na namang ramdam na SAWA ka na". Sinuyo niya ko hanggang sa nagkaayos na din kami. Sabi ko sa kanya, Di ko kayang mawala siya. Mahal na mahal ko siya. Hinatid niya ko sa may sakayan ng tricycle sa palengke nung nagkaayos na kami. Pagdating ko naman, kumaen na ko. Tapos tinext ko uli si crush, Sabe ko mag usap kami pero parang iniiwasan niya ko. Masama daw pakiramdam niya. Pero don ako nagpaload sa may malapit sa bahay nila. Kinausap ko siya. Akala ko nung una badtrip siya. Pero tinext niya naman ako. Joke lang daw yung mga inis niyang mukha kanina. Buti naman naayos ko lahat. Akala ko maghihiwalay na kami ni Michael Patalud. Di ko kakayanin. Di ko rin naman kayang mawalan ng kaibigan. Crush lang naman. Sus. Alam naman niyang may boyfriend ako. Wala lang yun. Friends lang talaga. Wew. Labels: sad thoughts ![]()
Last Chance.
BACK TO TOP? |
0 Left Blogprints:
Post a Comment
![]() Sobrang bigat ng katawan ko ngayong araw. :| Masyado pang stressed yung mukha ko. Kanina kasing 12:40 ng madaling araw, Nagising ako. Nagtext kami ni Mjhae pero parang nagkakatamadan. Nagreklamo ako sa kanya. Sinumbatan ko, Nagtampo ako. Hanggang sa umabot na sa point na napuno na siya sakin. Dalawang oras kami nagsagutan, nagsabi ng mga hinanakit. Sinasabayan ko na ng iyak yung bawat topic namin. Sobrang sakit kasi kinailangan na naming itigil yung relasyon namin. Ako rin naman daw ang gumagawa ng ikaaaway namin. Halos ibigay niya na lahat ng attention niya sakin, di parin ako nakuntento. Maghanap nalang raw ako ng lalaking perpekto. Pasensya na raw kung di pa siya sapat. Haist. *sigh* Halos iyak ako ng iyak magdamag. Di ako natulog. Di ako dinalaw ng antok eh. Siguro mga 4:00am ko pinilit matulog. Tas tumunog yung alarm ko by 4:30am. Time to jogging na with Rose, Angelu at Joy. Sa Nuvali kami nag jogging. Ang aga aga naming gumising ngayon kasi sanay kami 5:30 pa kami kung gumising. Ngayon advanced 1hour. Inabot kami hanggang 6:30 sa Nuvali. Di nga ako nag jogging. Nag lakad lang ako. Pero nahihilo ako. Pakiramdam ko matutumba ako. Paga pa mata ko. Ang bigat din sa pakiramdam. Ikaw ba naman, 30 minutes lang ang tinulog. *sigh* Nagbakasakali akong makakasalubong ko si Mjhae. Hindi naman pala siya sumama sa jogging nila. Puyat nga din siya kasi kanina. 3am na ata siya natulog. So ayun. Di ko nga siya nakita. Pag uwi namin ni Rose dito sa bahay. Nahiga ako. Nagpatugtog ng mga malulungkot na kanta, tas binasa ko yung mga old conversation namin pati mga pictures namin together napaiyak na naman ako. Tapos naaalala ko yung mga happy moments namin, mga kulitan at tampuhan, sobrang namimiss ko at mamimiss ko pa lalo. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Para bang hindi ko na malaman kung anung magiging future ko pag nawala siya. Masyado akong obsessed. Iba lang siguro talaga siya sa lahat ng lalaking nakilala ko. Sa kanya ko lang binuhos lahat-lahat ng pagmamahal. Para bang sure na ko na siya na ang gusto ko makasama pang habambuhay. Alam kong bata pa ako at madami pa nga diyang dadating. Pero iba talaga. Masayado kong sineryoso si Mjhae. Di ko talaga kayang mawala siya. Masisira yung kinabukasan ko, Magloloko ako sa pag aaral. Parang ganun yung nakikita kong kalalabasan. *tears* Nakatext ko siya kanina pagkagising niya. Humihingi padin ako ng chance pero parang pinagtatabuyan ako. Ang sakit talaga. Tapos tinanong ko sa kanya kung pwede kami pumunta ni Joy mamaya doon sa kanila. Nung una sabe niya wag na kasi wala naman daw gagawin dun. Pero nung tinanong ko uli siya nung pangalwang beses, Pwede naman daw. Wala daw siyang karapatang pagbawalan akong pumunta don at makita uli ang pamilya niya. Agad agad akong bumangon at nagpunas ng luha. Tinry ko kumaen pero ayaw talaga tanggapin ng tiyan ko. Kaunti lang nakaen ko. Tinapon ko din lahat. Sayang lang. Di ko alam. Wala kong gana eh. Naligo na ko tapos dinaanan ko si Joy. Nung nandoon na kami, Si Pau at Ces lang nakausap namin. Ayaw ni Mjhae lumabas ng kwarto. Niloloko nga nila Pau, sabe tawag ko daw. Ayaw talaga. May mga makukulit na bata doon, sila Kim at Ken, sabe nila tawag daw ako ni Mjhae. Napapaiyak nga ko dun sa salas nila. Kasama ko si Joy pati mga kapatid niya eh. tas ayun, tumayo na ko pumunta ko sa kanya. Nakahiga siya non. Umupo ako sa kama nya. Grabe. Ansakit. Ang sungit niya sakin sobra. Hinahawakan ko siya, ayaw niya. naluha nga ko eh. Tas sinumbat niya na lahat sakin ng masasakit na salita. Barado nga ako. Di ako makapagsalita. Talagang antagal naming nag usap. Tinataboy niya ko pero di nalang ako umiimik. Iyak nga ko ng iyak don. Tapos napaiyak na rin siya sa huli. Sabi niya "Halos magsagutan na kami ni tita, dahil pinaglalaban kita. Halos patigilin na ko sa pag-aaral dahil pinili kita, tapos kahit lagi kaming nag aaway mapagtanggol lang kita. Tapos sasabihin mo di mo na ko maramdaman? Kulang na pinapakita ko?" Grabe. Naiyak ako diyan. Hindi ko kasi alam na ganun pala mga nangyari. Sobrang sising sisi ako pero di ko masabi sa kanya kasi baka di niya lang ako pansinin. Antagal naming nagpaliwanagan pero nung sumobra na iyak ko, nung sinabe niya na marami pa daw lalaki diyan na mas higit sa kanya pati makakalimutan ko rin daw siya, Sumagot ako ng "Hindi ko nga kayang mawala ka. Mahal na mahal kita kumapara sa mga dati kong naging boyfriend. Kahit saan ako tumingin kanina sa bahay, Ikaw lang naaalala ko" tas hinug niya ko kasi ramdam na ramdam niya yung sakit at bigat na dinadala ko. He kissed me on my forehead. Medyo gumaan ang loob ko tapos huminahon na kami. Pinagusapan namin kung itutuloy pa namin. Itinuloy namin. Pero LAST CHANCE na namin to. Kailangan na naming umayos at alagaan pa lalo ang isa't isa. Sumaya na uli kami. Nagkulitan. Paulit ulit kong sinabi sa kanya na mahal na mahal ko siya at miss na miss, Wag na kaming maghihiwalay. Umuwi kami ni Joy ng 3pm. Pagdating ko ng bahay, tumingin ako sa salamin. Nun ko lang napansin na may eyebags na ko. Ang laki. Ampanget panget ko. Grabe. First time ko magkaganun. :'( Ang laki talaga o. Ang panget panget! :'( Labels: love, sad thoughts ![]()
AOUS!
BACK TO TOP? |
0 Left Blogprints:
Post a Comment
![]() BASTA MASAYA KO! NAKITA KO SI PAPA JULIEN! :""""> Aww. :"""> I missed this. :)) Lumalandeng Aso na naman ako. Haha. :P Joke! Labels: love ![]()
Good Bye October! Hello November! :)
BACK TO TOP? |
0 Left Blogprints:
Post a Comment
![]() Finally October had passed already. I wasn't able to update my blog at the start of the month of November. November 1: We went to Hornalan Cemetery. We had visited our relatives who had passed away. Probably! By the time we arrived there, I hurriedly looked for Joy. Ahaha. I already missed her even if we already see each other last night. We went to our boyfriend's grandpa's grave. Their family has no time visiting him due to it's far location. We felt pity for Lolo Claro's grave because it has no candle nor flowers within it. *sigh* We stayed there for about 5 hours, I think? The weather was not good. It's sunny when we arrived there then it drizzle then gets sunny again then drizzle again. The weather is so weird, right? It was very hot then. I only spent my time eating different kinds of food with relatives. Lol. :D November 2: Yesterday, I help my mom clean our house because I woke up early. I slept for how many hours after cleaning because I have incomplete hours of sleeping this past few days. I didn't feel the semestral break. Really! But it's okay. Atleast I enjoyed it because of my tropa here in our village. We, FOM, attended Novena at 6pm. After that, We went to Paseo even if it's raining. We are with Bes Carlo. Because it's their second monthsary. Mjhae also went there because he wants to see me. We just spent our time together for just less than an hour. But it's just fine for the both of us. Even if it's kabiten. We also had some misunderstanding thingys last night because I got jealous again. But it's just mababaw. I dunwanna talk about it anymore. We're okay now. :) November 3: Supposed to be, We're gonna continue the game of Soccer Base . But because of the weather, We stayed at our Gymnasium then we just have the shooting. We chose 5 students per level. Separating the boys and girls. Seniors ranked third in that game. When the overall champion has to be announce, We all got nervous. Sir Jhun says that the First placer got 305 points while the Second placer got 300 points. I closed my eyes when Sir Jhun was about to announce the second placer. Then finally he said, "JUNIORS". All the Seniors shouted with joy. We were very happy. We got the CHAMPION award. :) Labels: family, love, sad thoughts, tropa ![]()
Happy Halloween!
BACK TO TOP? |
0 Left Blogprints:
Post a Comment
![]() I'm so tired. O.o Dami nangyari ngayong araw. Kanina, maaga ko nagising pero tinamad padin bumangon. Napasarap sa pagkakahiga. Na-realize ko na October 31 na pala. "May party nga pala mamaya", sabe ko. Pagkabangon ko, Kumaen na ko tapos maya-maya, nagtext nadin si Labs. Sinabe niya sakin, Punta daw siyang balibago. Bibili daw siyang tsinelas. Sira na tsinelas nya eh. Tapos naalala ko, Gusto ko nga palang bumili ng hairband na may sungay. May nabibili kasing ganun don. So sabe ko sa kanya, sasama ako. Natuloy naman kami. Nakabili siya ng tsinelas tapos nakabili ako ng dalawang hairband para samin ni Joy kaso hindi sungay. Parang yung hairband ko lang na minnie mouse pero nailaw yung nabili ko. Ang cute nga eh. Si Mjhae pumili nun. Ahaha. =)) Siguro nakauwe kami ng mga 2pm. Pagkauwi ko, Kumaen ako tas nagpahinga. Nakatulog nga ko saglit. Pag gising ko, Andun na sila Joy sa labas namin. Aalis na daw kami. So nagtagal kami dito samin. Kaka paganda. Haha. Look at me. Adik na adik sa hairband kong pa-blinkblink pa. :D Ang saya-saya namin bago umalis eh. Ang dami namin. 12 ata kaming taga dito tas pinababa na namin yung 10 sa paseo. Pumunta muna kami ni Joy sa Don Jose. Susunduin sana namin si Ces kaso di pala siya pinayagan. Tapos si Pau, nakita namin. Naka-smile lagi. Ang cute talaga eh. Hinatid nila kaming tatlo sa sakayan ng trike. Sabi sakin ni Mjhae, baka daw sumunod siya. So nauna na kami ni Joy. Badtrip siya kasi akala niya magkakabalikan na sila ni Pau, di naman pala. Bumalik kami sa Paseo tas tinext ako ni Pau. Sabi niya, maliligo lang daw siya tas tulungan ko siyang suyuin si Joy. Umoo naman ako. Sabi ko pa nga, isama na si Mjhae kaso nung dumating naman si Pau, siya lang mag-isa. Susunod nalang daw si Mjhae. Nag picturan muna kami dun. Amg sweet nga nila Pau at Joy. Nagkabalikan sila. Ako naman, inggit na inggit sa kanila. May ganito o. Tapos may ganito pa. Sila Jayson at Lyka naman..... Oh diba? Sino bang di maiinggit sa mga ganyan. Sila may mga kalambingan na. Yung akin wala padin. Parati namang late yun. Minsan na lang nga payagan umuwi ng gabing gabi galing Paseo, di pa siya sisipot ng maaga. Nakakaen na kami't lahat, wala padin. Pinagtira ko pa nga siya ng coke tsaka isang chichiria tas pagdating niya busog naman pala siya. Kasama pa niya si Anjo. Naiinis ako. Parating panira yun eh.Laging nakiki-epal. Ba't ba kasi lagi nalang ganun boyfriend ko. Lagi niya nalang sinasama yun eh. Kaya nga pinapasabay ko na siya kay Pau. :( Pero eto. May ganto padin naman kami. Kaso wasted na ko. Haha. :)) Saglit lang naman kami nagkasama. Lagi kasing umeepal si Anjo eh. Bwisit na bwisit talaga ko dun! Pati kay Pau at Joy umeepal. Palibhasa wala si Ces. Haaist! Magkagalit na naman tuloy si Pau at Joy nung umuwi kami. Mukhang magbbreak na naman. Nakakaasar eh. Dami kong ginawang paraan magkaayos lang sila tas away na naman. Tapos kami rin ni Mjhae di ayos. Pero hinatid niya naman ako nung pauwi na kami. Tapos nagtext siya. Sinuyo naman niya ko kaya ayos na kami. :) So masaya na medyo malungot 'tong araw na to. Pero atleast, safe kaming nakauwi. At medyo enjoy parin naman kasi madami nga kami at nakapag celebrate parin ng halloween party sa Paseo. I LOVE THEM. :""""> Labels: food, love, sad thoughts, tropa ![]()
One day, I'll marry you.
BACK TO TOP? |
0 Left Blogprints:
Post a Comment
![]() I woke up early this morning, maybe at around 5pm? Yea. 5pm. Nag jogging-rosary kasi kaming mga FOM. Every weekend kaming ganun. Hindi naman kami masyadong banal. Haha. Nagpasa din nga pala ko ng requirements sa La Salle Canlubang ngayon. Nasiraan pa nga kami eh. Nasira yung makina nung car namin. Sobrang nag panic ako kanina. Ang inet naman kasi. Nagmamadali pa ko, Kasi papunta din ako kila Labs ngayon eh. Buti nalang tinulungan kami nung mga guards dun. Tinulak nila yung car namin tas umandar na. Nagpababa ako sa Paseo. Bumili ako ng CD para paglagyan ng Stella Maris. Sasayaw kasi kami tomorrow sa mass, after the parade of Mama Mary. Sobrang banas na banas ako pagdating ko sa kanila. Tumapat agad ako sa Electricfan. HAHA. :)) Sobrang saya ko na naman. 4:30 na ata ko nakauwi eh. Grabe. Sobrang daming pinakaen sakin ni Mjhae dun. Busog na busog na naman ako pag-uwi eh. Haha. Masaya nga pala yung roadtrip ko pag-uwi. Sumakay ako ng jeep. Bumababa ako sa Nuvali. Tas naglakad ako pauweng Mesa Homes. Buti nalang sinakay ako nung kapit-bahay namin. Bumaba ako ng court. Swerte ko na naman, Nakita ko si Ninong. Pauwi na. Sumabay na ko. Haha. Odi. Tipid pamasahe ngayong araw. Ang saya talaga eh. Dami naming pictures ni Mjhae ngayon. Sobrang Vain. =)) Natututo na siyang magpaka-vain. Ahaha. Dati, KJ siya sa mga ganyan eh. Haaay. Excited na uli akong makita siya. Nakakamiss agad. :"""> kulet nya o. :"> Labels: love ![]()
Finally.
BACK TO TOP? |
0 Left Blogprints:
Post a Comment
![]() Finally, Second Quarterly Test is over! :) I hate GT! It was more on essay. Perhaps, I only wrote minimum of 3 sentences. Haha. I was so lazy to write because I'm so excited for dismissal. I really can't wait to see him. :"> I should be going with Ruth in going to Paseo but Joy had rang me up. She said, She's already at Don Jose's waiting shed. So I hurried to the tricycle and when I got there, We went together at Mjhae's house. I really missed him. He took my hand and he sent me in their kitchen. We both prepare our lunch and we ate outside because it was very hot inside. While we were eating, He kept on staring at me that's why I can't finish my food quickly. I just squint at him and he smiled. He's always like that. He's very naughty. Joy and I stayed there until 3pm. I really missed going there. I talked with Ces and Mommy (their lola). Aww. I miss them. I'm really looking forward to go there again. :""""> Look at him. Labels: love ![]()
|